Carlos Yulo, wagi ng gintong medalya sa 2021 Fig Artistic Gymnastics World Championships

171

Nakakuha ng gintong medalya ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2021 Fig Artistic Gymnastics World Championships.

Ito ay makaraang makapagtala si Yulo ng average score na 14.916 matapos ang 15.033 at 14.800 points na kaniyang nakuha.

Bago nito, hindi nadepensahan ni Yulo ang titulo para sa floor exercise dahil sa penalty.


Samantala, nakuha naman ni Yonekura Hidenobu ng Japan ang silver habang si Andrey Medvedev ng Israel ang nag-uwi ng bronze medal.

Facebook Comments