Nakatanggap na ng kumpletong bakuna ang 53.2% ng 77 million na target population ng bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., hanggang noong December 12, sumampa na sa mahigit 41 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Pinakamataas na porsiyento ng mga nabakunahan ay mula sa Metro Manila kung saan 102.41% na ng populasyon nito ang bakunado.
Mataas na rin ang inoculation rate sa Cordillera Administrative Region (65.08%), Central Luzon (56.88%), CALABARZON (54.10%) at Ilocos Region (53.07%).
Kumpiyansa naman ang Malacañang na maaabot ng gobyerno ang target nitong 54 million na fully vaccinated individuals kasabay ng pag-arangkada ng ikalawang round ng “Bayanihan, Bakunahan” bukas.
Samantala, mahigit pitong milyong kabataan na rin na edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan kung saan 2.1 million dito ay nakatanggap na ng second dose.