Friday, March 13, 2026

53 human trafficking victims, dumating na sa bansa mula Cambodia

FILE PHOTO

53 human trafficking victims ang dumating sa bansa kanina mula Cambodia.

Kabilang sa mga dumating ang dalawang biktima na nangangailangan ng medical attention.

Isa rito ay may kidney failure habang ang isa ay may bali sa collarbone dahil sa vehicle accident.

Ayon sa mga biktima, sila ay ni-recruit via messaging app, at pinangakuan ng sahod na 600-1,000 USD at valid working visas.

Ayon sa isa sa mga biktima, kinakastigo sila ng kanilang amo kapag hindi sila umaabot sa quota na 26 love scam clients kada araw.

Kabilang aniya sa parusang ginagawa sa kanila ay 300 push-ups, ginugutom at hindi pinasasahod.

Facebook Comments