53 katao, arestado sa ikinasang project janitor fish sa Laguna

Manila, Philippines – Nasa 53 katao ang inaresto ng Laguna Police Intelligence Branch (PIB) sa ikinasa nilang project janitor fish.

Ayon kay Police Supt. Vic Cabatingan, Chief of Police ng Laguna PIB, isinagawa nila ang operasyon sa iba’t-ibang lugar sa probinsiya para mahuli ang mga may standing warrant maging ang ibang lumalabag sa batas.

Karamihan sa mga nahuli ay may iba’t-ibang kasong kinakaharap habang ang iba ay may kaugnayan sa iligal na sugal at droga.


Dagdag pa ng opisyal, layunin ng project janitor fish ay linisin ang buong laguna sa mga kriminal at iba pa kung saan kanila din pagtutuunan ang mga wanted na nagtatago sa mga liblib na lugar.

Facebook Comments