Kapatid ni Pacman maluwag na tinanggap ang resulta ng review ng WBO sa Paquaio vs. Horn fight

General Santos City—maluwag sa dibdib na tinanggap ng kapatid ni Senator Manny Pacman Pacquaio na City Councilor Bobby Pacquiao ang resulta ng review ng WBO sa nakaraang laban ng kapatid nito at ng Australian Boxer na si Jeff Horn matapos ng maraming protesta ng mga fans dahil sa umano nangyaring dayaan sa laban.
Sinabi ni Councilor Bobby Pacquaio na kanila nalang tinanggap ang naging desisyon ng mga Judges kahit hindi pa ginawa ang review ng WBO dahil dinhi narin mababawi pa ang naging desisyon.
Napag-alaman na base sa resulta ng WBO Review limang round lang ang napanaluan ni Pacquaio habang pito naman ang napanalunan ni Jeff Horn.
Samantala sa isyu naman ng pag ritero ni Pacman sa Boxing sinabi ni Councilor Bobby na sa huling pag uusap nila ni Pacman ay gusto pa talaga nitong lumaban sa ring dahil gusto pa nitong patunayan na hindi pa sya laos sa kanyang Boxing career.
Tags: Rmn Gensan, Gensan, Sarangani, Rosen Sioco, Inah Daven, Bryan OƱate

Facebook Comments