Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa Coronavirus ang limampu’t tatlong (53) indibidwal mula sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ng umaga, December 4, 2020, tumaas sa bilang na 53 ang naitalang positibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw habang dalawa (2) naman ang naiulat na gumaling sa virus.
Mula sa 53 new COVID-19 cases, labing walo (18) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan, pito (7) sa Lungsod ng Ilagan at bayan ng San Mariano, anim (6) sa bayan ng Alicia, apat (4) sa Santiago City, dalawa (2) sa bayan ng Aurora, at tig-isa (1) sa mga bayan ng Angadanan, Cabagan, Ramon, Cordon, Sta. Maria, Naguilian, Delfin Albano, Burgos at Luna.
Dahil dito, umakyat sa bilang na 235 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Mula sa 235 total active cases, apat (4) ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs), labing dalawa (12) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), dalawampu’t isang (21) Health Worker, tatlong (3) pulis, 195 na Local Transmission.