53 na Positibo sa COVID-19, Naitala sa Region 2

34

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng 53 na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 53 new confirmed cases, labing pito (17) ang naitala sa Cagayan, labing siyam (19) sa Isabela, labing anim (16) sa Santiago City at isa (1) sa Nueva Vizcaya.


Kasabay ng mga bagong naitalang positibo, gumaling naman sa virus ang 32 na COVID-19 Patients, kung saan labing tatlo (13) ay mula sa lalawigan ng Cagayan at labing siyam (19) mula sa Isabela.

Sa kasalukuyan, umakyat sa 589 ang total active cases sa rehiyon na nagdadala sa kabuuang bilang na 4, 359.

Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling na umabot sa 3,702 habang ang kaso ng naitalang nasawi ay umakyat naman sa 68.

Facebook Comments