53% ng COVID-19 beds sa Tala Hospital, okupado; mayorya ng naka-confine, mga hindi bakunado

Nasa 274 mula sa kabuuang bilang na 520 COVID beds ng COVID referral hospital na Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital) sa Caloocan City ang occupied na sa kasalukuyan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr., Medical Director ng Tala Hospital na walo sa mga pasyenteng ito ay severe case, pito ang critical cases habang 259 naman ang moderate cases.

Aniya, sa 274 na mga COVID patient na naka-confine sa kanilang ospital sa kasalukuyan, 55% dito ay unvaccinated o hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.


Nasa 43% naman ang fully vaccinated habang 2% ang partially vaccinated laban sa virus.

Kasunod nito, tiniyak ni Dr. Famaran na handa ang kanilang pagamutan saka-sakaling tumaas pa ang ma-a-admit sa Tala Hospital.

Facebook Comments