Free Parking at Road Clearing Operations ng Brgy District 2, Cauayan City, Patuloy

21
Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang paglalaan ng libreng parking ng Brgy. District 2, Cauayan City para sa lahat ng mga namamasadang traysikel at private vehicle sa Lungsod.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Captain Miko Delmendo na siya rin Presidente ng Cauayan Advocacy Group, maaari pa rin aniyang gamitin ang mga inilaang parking area sa Lungsod na matatagpuan sa Cortes Street, Dalupang St at Roxas St.

Aniya, ito ay upang maiwasan ang illegal parking sa mga kalsada at hindi rin mag sanhi ng road obstructions.

Ayon pa sa Kapitan, naghahanap muli ito ng mga bakanteng lote sa kanyang nasasakupan para madagdagan pa ang parking space sa Lungsod lalo na sa mga magtutungo sa Centro ng Cauayan.

Samantala, nagpapatuloy din ang ginagawang road clearing operations ng Brgy. District 2 sa nasasakupan nito kung saan aktibo ang mga Barangay Kagawad at Tanod sa pagtanggal sa mga nakikitang obstructions at pagsita sa mga sasakyang nakaparada lamang sa mga gilid ng daan.

Facebook Comments