53 years old na lalaki, buena manong aplikanteng natanggap sa trabaho sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho ngayong taon!

Manila, Philippines – Isa na namang aplikante ang natulungan ng “Radyo Trabaho” ng DZXL 558.

Si Tatay Juanito Esmeralda, 53-anyos at residente ng Commonwealth, Quezon City ay nagsimula nang magtrabaho noong Martes (January 8) bilang company driver sa Neat Engagements Company.

Kwento ni Tatay Juanito, masugid siyang tagapakinig ng DZXL hanggang sa sinubukan niyang mag-apply sa Radyo Trabaho.


Aniya, kahit may edad na ginusto pa rin niyang magtrabaho dahil kailangan niyang tustusan ang tatlong anak na babae na mga nag-aaral pa.

Lubos naman ang pasasalamat ni tatay juanito sa Radyo Trabaho dahil nabigyan siya ng bagong pag-asa sa buhay.

Huwebes (January 3) nang magsadya sa ating himpilan si Tatay Juanito at sa kabutihang palad ay natanggap ngayong araw sa isang agency.

Payo niya sa mga wala pang trabaho, huwag basta sumuko dahil habang may buhay, may pagasa.

Sa mga nais din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th Floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming Radyo Trabaho hotline – 882 2370 o magtext sa Radyo Trabaho textline 0967-372-9017.

Sa Radyo Trabaho, walang personalan, trabaho lang!

Facebook Comments