533 bagong BuCor officers, nanumpa na

Pormal nang nanumpa ang 533 na bagong mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sila ay magsisilbing dagdag pwersa para sa reorganisasyon at pagsasaayos ng sistema sa pitong penal colony ng BuCor kabilang na ang New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa BuCor, 313 sa mga ito ay criminology graduate, 131 ang licensed teachers at mayroon ding mga nurse, social worker, engineers at iba pang propesyon.


Ayon kay Chief Inspector Eusebio del Rosario, Public Information Officer ng BuCor, ang bagong corrections officer ay ilalagay sa posisyon na angkop sa kanilang mga tinapos.

Dadaan din sila sa anim na buwang pagsasanay kabilang na ang academic, cognitive at physical training.

Sila ay tatanggap ng buwanang sweldo na ₱29,000 at ₱7,000 na allowance.

Facebook Comments