54 Active Cases, Naitala sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 54 na bagong aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Sa datos na inilabas ng Cauayan City Health Office as of July 18, 2021, walo (8) ang naitalang bagong positibong kaso kaya’t bahagyang tumaas ang active cases sa 54.

Mayroon namang tig-isa (1) na naitalang bagong gumaling at namatay sa COVID-19.


Ang walong bagong kaso ay naitala mula sa brgy. Alicacao (1); Baringin Sur (2); Cabaruan (5); District 1 (2); District 2 (1); District 3 (5); Guayabal (1); Linglingay (1); Mabantad (3); Maligaya (3); Marabulig 1 (2); Minante 1 (9); Rogus (1); San Fermin (1); San Isidro (1); Sillawit (1); Tagaran (3); Turayong (2) at brgy Villa Luna na may sampung (10) bagong kaso.

Muling nagpaalala ang City Health Office sa publiko na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health and safety protocol upang makaiwas na mahawaan o makapitan ng virus.

Facebook Comments