54 anyos na ama, arestado ng NBI matapos halayin ang 3 menor de edad na mga anak

Arestado ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang 54 anyos na ama na suspek sa panghahalay sa kanyang tatlong menor de edad na mga anak na babae sa Baclaran, Paranaque.

Ayon kay NBI-NCR Director Ferdinand Lavin, taong 2022 pa nang simulang halayin ng suspek ang kanyang mga anak.

Nabatid na nagsumbong na rin sa kanilang biological na ina ang mga biktima subalit hindi sila pinaniwalaan ng kanilang sariling ina.


Bunga nito, nakipag-ugnayan sa isang guardian ang mga bata at ito na ang personal na dumulog sa NBI.

Inamin naman ng suspek ang krimen at aniya paglalambing lamang ang kanyang ginawa.

Ang suspek ay hiwalay sa asawa at mayroon na itong ibang kinakasama.

Nasa kustodiya na ng NBI at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktimang menor de edad.

Facebook Comments