54 INDIBIDWAL SA DAGUPAN CITY GANAP NG DULY DEPUTIZED FISH WARDENS

Dahil sa mithiin ng gobyerno at lokal na pamahalaan ng Dagupan City na maalagaan at maging mapayapa ang mga ilog sa lungsod, nagsagawa ito ng 3-day orientation training.
Sa nasabing training, dinaluhan ito ng 54 na indibidwal kung saan sila ang tatawaging deputized fish wardens ng Task Force Bantay Ilog at ng magiging katuwang ng lokal na gobyerno sa pagpapatupad ng umiiral na fishery laws, rules and regulations sa Dagupan City.
Ginanap ang tatlong araw na training ng mga ito nito lamang September 13-15 sa ilalim ng pagsasanay ng mga inimbitahang resource speakers mula sa ahensyang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 at City Agriculture Office.

Samantala, binati ng kasalukuyang administrasyon ang mga ganap nang deputized fish wardens bilang pasasalamat sa pagtanggap sa oportunidad na maging tagapangalaga ng mga kailugan sa lungsod. | ifmnews
Facebook Comments