DXZL Radyo Trabaho team, bibisita sa Pasig PESO ngayong araw!

16

Panibagong tanggapan ng kagawaran ng pampublikong serbisyo sa pag-eempleyo o Public Employment Services Office (PESO) ang bibisitahin ng DZXL 558 Radyo Trabaho mamayang alas-dos ng hapon.

Pangungunahan ng aming Station Manager Buddy Oberas kasama ang iba pang team ng Radyo Trabaho ang courtesy visit sa tanggapan ni Pasig City Peso Manager Jelene Sison-Lopez.

October 2019 nang unang dumalaw ang Radyo Trabaho team sa Pasig PESO.


Ito na ang pang-labing apat na PESO na bibisitahin ng aming team kung saan tatlong lungsod nal ang sa National Capital Region (NCR) kabilang dito ang Makati, Navotas at Marikina na hindi pa natin naiikutan.

Samantala, magkasunod na araw nitong Martes at Miyerkules ay mainit na tinanggap ang ating team sa tanggapan ni San Juan City Peso Manager Richard Matriano at Mandaluyong City Peso Manager Emma Javier.

Abangan naman sa susunod na linggo dahil lalabas na sa Metro Manila ang Radyo Trabaho team at mag-iikot na rin sa iba’t ibang regional PESO sa Mega Manila.



Facebook Comments