Nasa 54 returning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Ilocos Region ang maaaring makautang upang masimulan ang isang negosyong kanilang mapipili.
Ito ay sa ilalim ng programang OFW-Enterprise Development and Loan Program ng OWWA katuwang ang Land Bank of the Philippines.
Sa ilalim ng programa, aabot sa 100, 000 hanggang sa 1 milyon ang mahihiram na kapital ng mga ito upang simulan ang negosyo na kanilang ninanais.
Layunin ng OFW-EDLP na matulungan na makapagsimula ang mga returning OFWs upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Facebook Comments