Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magsasagawa ng gift giving sa isang bahay-ampunan sa San Juan City bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw

70

Mamimigay ng regalo sa isang bahay-ampunan sa San Juan City mamayang hapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang isa sa mga aktibidad ng pangulo ngayong araw na nagdiriwang ng kanyang ika-65 na kaarawan.

Batay sa anunsyo ng Malacañang, alas-3:00 ng hapon mamaya gagawin ang gift giving sa White Cross Orphanage sa San Juan City.


Kanina ay una nang tumungo ang pangulo sa San Mateo, Rizal para naman pangunahan ang National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Kick Off Ceremony.

Bagama’t nagdiriwang ng kaarawan ang pangulo, may schedule itong pirmahan ang Executive Order para sa Moratorium on the Annual Amortization of Agrarian Reform Beneficiaries mamayang alas-10:00 ng umaga.

Wala namang anunsyo ang Malacañang kung magkakaroon ng birthday party ang pangulo sa Palasyo ng Malacañang mamaya.



Facebook Comments