$54,215 na nakaipit sa mga magazine, nasabat sa BOC-Clark

767
Bureau of Customs-Clark

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark, Pampanga ang $54,215 cash o katumbas P2.7 milyon na isiniksik sa pahina ng mga magazine.

Ayon sa BOC, idineklarang “Chinese cookbook recipes” ang nasabing kargamento na nagmula sa Hong Kong at dumating sa bansa noong Mayo 25.


Una itong isinailalim sa nonintrusive examination, ngunit nang isagawa ang physical examination, saka nadiskubre ang US dollar bills sa iba’t-ibang pahina.

Nakuha ang 540 piraso ng $100, dalawang $50, apat na $20, isang $10, at limang $5 bills.

Naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si District Collector Atty. Ruby Alameda kaugnay ng paglabag sa Customers Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments