Mandaluyong City, nakapagtala ng 20 bagong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng Health Department ng lungsod ng Mandaluyong na meron itong 20 bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa kanilang tala kahapon ng alas-7:00 ng gabi, ang mga bagong pasyente na infected ng virus ay mula sa Barangay Addition Hills, kung saan meron itong siyam na bagong kaso.

Habang tig-tatlo naman sa Barangay Highway Hills at Barangay Mauway.


May tig-isang bagong kaso ng COVID-19 ang Barangay Bagong Silangan, Barangka Ibaba, Hagdang Bato Itaas, Malamig at Pleasant HIlls.

Dahil dito, umakyat na sa 794 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Mandaluyong City.

Mula sa nasabing bilang, 60 na ang nasawi at 507 naman ang gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Kahapon, nasa 1,114 na ang kabuuang bilang ng suspected cases at 228 naman ang mga probable cases sa lungsod.

Facebook Comments