54K NA DOSES NG BAKUNA NA MULA SA TATLONG BRAND DUMATING SA ILOCOS REGION 1

Dumating sa Region 1 ang higit 54,000 na karagdagang suplay ng bakuna sa nagpapatuloy na vaccination Program laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga inihatid na bakuna sa rehiyon ay 10, 530 na doses ng Pfizer, 7, 500 na doses ng Astrazeneca at ang pinakamarami ay ang Sinovac na mayroong 36, 240.

Ang astrazeneca na dumating sa rehiyon ay binili ng lgus upang mas maparami pang residente ang kanilang mabakunahan.


Ang bakunang Sinovac at Pfizer ay inilagay sa Regional Vaccine Storage Facility at ang Astrazeneca naman ay inilagay sa Brgy. Sevilla sa San Fernando City na mayroong ultra low freezers.

Kasama ng mga bakuna ay karagdagang suplay ng syringe. Samantala, sa huling datos ng DOH-CHD1 umabot na sa 1, 021, 916 ang bakunang naiturok sa rehiyon.

Facebook Comments