55 Bagong Kaso ng COVID-19, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng limampu’t lima (55) na bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 22, 2021, mula sa 55 new COVID-19 cases, labing anim (16) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan; labing dalawa (12) sa Lungsod ng Ilagan; walo (8) sa bayan ng Ramon; tig-apat (4) sa bayan ng Naguilian at Tumauini; tatlo (3) sa Echague; dalawa (2) sa bayan ng Roxas, San Mariano at Santiago City; at tig-isa (1) sa bayan ng Gamu at Cabatuan.

Bagamat may naitalang bagong kaso, gumaling naman sa COVID-19 ang dalawampu’t anim (26) na nagpositibo kung kaya’t umakyat sa 3,377 ang total recovered cases.


Tumaas pa ng lalo sa 486 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa probinsya ng Isabela matapos dumagdag ang bagong kaso.

Mula sa naitalang aktibong kaso, walo (8) ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APOR); dalawampu’t walong Health Workers; dalawampu’t limang (25) pulis; at 424 na Local Transmission.

Facebook Comments