55 BLOOD BAGS, NAKOLEKTA SA BLOOD DONATION DRIVE SA BAYAMBANG

Limampu’t limang blood bags ang nakolekta sa isinagawang Blood Donation Drive ng Rural Health Unit o RHU I, katuwang ang Philippine Red Cross San Carlos Chapter, noong Nobyembre 9, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.

Pinangunahan ni Dr. Paz Vallo ang aktibidad na nilahukan ng 77 rehistradong donors, kung saan 55 ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo, katumbas ng 71.4 porsiyentong collection rate.

Layunin ng programa na mapalakas ang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin dahil sa karamdaman, aksidente, operasyon, at iba pang medikal na pangangailangan.

Patuloy rin nitong hinihikayat ang publiko na makiisa sa boluntaryong pagdo-donate ng dugo bilang mahalagang paraan ng pagtulong at pagliligtas ng buhay.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, hinihikayat ang bawat mamamayan na makibahagi sa mga gawaing pangkomunidad na naglalayong makatulong at makapagligtas ng buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments