Cauayan City, Isabela- Hindi nakaligtas sa banta ng COVID-19 ang 55 katao sa Lambak ng Cagayan matapos magpositibo sa nasabing virus.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, ang limampu’t limang (55) bagong nagpositibo sa COVID-19 ay naitala sa Lalawigan ng Cagayan, Isabela, Santiago City at Nueva Vizcaya.
Labing isa (11) ang naiulat na new confirmed cases sa Cagayan, tatlumpu (30) sa Isabela, siyam (9) sa Santiago City at lima (5) sa Nueva Vizcaya.
Gayunman, nakapagtala naman ang rehiyon ng panibagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 kung saan tig-dalawa (2) ang mula sa Cagayan at Isabela at isa (1) sa Batanes.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 2, 125 ang total ng COVID-19 cases sa rehiyon ngunit 418 lamang ang aktibo, 1, 672 ang mga nakarekober at 35 ang namatay.