Nasawi ang 55 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa 9 na buwang intense military operation ng militar sa Eastern at Western Mindanao.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata.
Aniya, naitala ang mga nasawing ASG sa mga military operation mula January 1 hanggang September 30, 2020.
Bukod sa mga naitalang namatay, 78 ASG members din ang sumuko habang 6 ang naaresto at 97 firearms, 7 Improvised Explosive Devices (IEDs) ang kanilang nakumpiska at 9 na kampo ng ASG ang kanilang nakubkob.
Matagumpay rin daw na na-rescue ng militar ang Filipino-American kidnap victim ng Abu Sayyaf nitong September 30 at na-rescue rin ang magsasakang bihag ng ASG na si Rex Susulan Triplitt.
Sinabi ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay na ang mga matagumpay na operasyon ng militar ay dahil sa suporta ng gobyerno at ng taong bayan.