55 pagyanig sa loob ng isang araw, naitala sa Bulkang Taal

Umabot sa limampu’t limang (55) pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang taal nitong nakalipas na bente-kwatro oras.

Bukod dito, naitala rin ang siyam na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto.

Patuloy rin na naglalabas ang Bulkang Taal ng mainit na volcanic fluids sa lawa at sulfur dioxide emission na umabot sa 9,451 tonnes.


Kaya naman patuloy ang babala ng PHIVOLCS na ba112wal pa rin ang pananatili sa permanent danger zone partikular sa main crater at Daang Kastila fissures ng Taal Volcano Island.

Sa ngayon ay nananatili sa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Facebook Comments