Sasailalim sa isang buwang retraining ang 55 pulis na nasangkot sa iba’t-ibang paglabag sa Subic, Zambales.
Pero bago dalhin sa Subic, Zambales kung saan ginagawa ang 30 days focused reformation/reorientation and moral enhancement for police officer in line with internal cleansing effort.
Nasermunan muna ang mga pulis na ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa PNP Sports Center sa Camp Crame kung saan iniharap ang 55 pulis.
Ang 55 pulis ay kinabibilangan ng dalawang police commissioned officer na may mga ranggong police lieutenant colonel at police captain.
Sila ay nasangkot sa pangongotong, pagiging mabagal sa pagresolba ng kasong hinahawakan, pagiging AWOL, palaging late at iba pang paglabag.
Paglilinaw ni PNP chief, administratibo lang ang kaso ng mga pulis at hindi hahantong sa pagkakatanggal sa serbisyo.
Dahil hindi aniya kasama sa retraining ang mga nahuling pulis na sangkot sa iligal na droga at robbery extortion, nakakulong na raw kasi ang mga ito sa ngayon at nahaharap sa dismissal procedure.
Samantala bukod sa 55 pulis na sasalang sa retraining, nasa limang libong pulis pa ang nakatakdang isalang sa mga retraining.