Meralco, may bawas singil sa kuryente ngayong August bill

44

Sa ika-apat na sunod na buwan, magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ang Meralco ngayong Agosto.

Bunsod ito ng mas mababang generation charge o halaga ng kuryente na binibili ng kumpanya sa spot market.


Sa abiso, nasa P0.42 kada kilowatt hour ang ibabawas sa singil o katumbas ng P83 na bawas para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh.

Katumbas na P125 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 kwh; P167 sa 400 kwh at P209 sa 500 kwh.

Facebook Comments

From Advertisers