55 TODA Members, Nakiisa sa Project KALSADA ng PNP City of Ilagan

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang nasa 55 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Members sa isinagawang Project KALSADA (KALigtasan SA DAan) matapos talakayin ang road safety awareness at mga batas trapiko na pinangunahan ng PNP City of Ilagan.

Nagsilbi bilang lecturer si PMaj. Felipe B Eleponga, ang Deputy Chief ng Regional Highway Patrol Unit 2 kung saan binigyan kaalaman niya ang mga dumalo ukol sa mga tuntunin at regulasyon sa pagmamaneho.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang anim (6) na miyembro ng Citizens Crime Watch Force Multipliers.

Samantala, namahagi din ng mga regalo ang kapulisan sa pakikipag-ugnayan sa LGU City of Ilagan at ilang business establishments.

Layunin ng aktibidad ang mapababa ang bilang ng mga aksidente sa kalsada partikular sa mga accident prone areas at mabigyan ng ibayong kaalaman ang mga tsuper tungkol sa ligtas na pamamasada at pagsunod sa mga batas trapiko.

Facebook Comments