Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na asahang aabot ng 550 na mga bus ang bibiyahe sa ESDA Busway kung maging full operational na ito.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, magiging full operational ang EDSA Busway kung matapos na lahat ang itinalagang mga bus stop.
Aniya, hinihintay pa na ma-deliver ang 36,000 na concrete barriers na ilalagay sa mula sa Monumento hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ito aniya ay inaasahang maide-deliver sa susunod na linggo.
Ang ESDA Busway ay isang inisyatibo ng DOTr bilang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa EDSA kung saan binigyan ng dedicated at controlled lanes ang mga Public Utility Bus (PUB) na accredited ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Samantala, ngayong araw, pormal nang binuksan ang EDSA Carousel Bus kung saan operational na ang 12 sa 16 na mga bus stop sa kahabaan ng MRT 3 EDSA.