Cauayan City, Isabela-Umabot na sa 552 ang mga specimen sample na nasuri sa COVID-19 laboratory ng Department of Health Region 2 na kauna-unahang laboratoryo sa buong rehiyon dos.
Ayon kay Health Education and Promotion Board Officer Lexter Guzman, hinihintay na lamang ang natitirang 12 na specimen sample para sa resulta nito.
Sa kabila nito, 1,216 na ang mga suspected cases ang nakatapos na sa pagsasailalim ng 14 days quarantine habang 137 na lang ang nasa mga quarantine facilities para kumpletuhin ang nasabing araw ng quarantine.
Samantala, nakapagtala ng suspected cases ang Batanes-18, Cagayan-416, Isabela-616; Nueva Vizcaya-271 at Quirino- 32.
Inaasahan naman na anumang araw ay madaragdagan ang COVID-19 laboratory na matatagpuan sa Cagayan Valley Medical Center.
Pakiusap naman ni Guzman sa publiko na ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay ay panatilihin ang pagpapatupad ng 1-meter distance at makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.