Tinatayang 56 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa American pharmaceutical companies ang inaasahang darating sa bansa sa Mayo.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ang mga bakuna ay mula sa COVAX facility, isang global collaboration ng manufacturers at experts na layong mapabilis ang paggawa at pamamahagi ng gamot laban sa COVID-19.
Aniya, naka-secure ang bansa ng magkakahiwalay na deals sa Novavax, Moderna, at Johnson and Johnson para sa 30 milyong doses, 20 milyong doses, at anim na milyong doses ng bakuna.
Maliban dito, sinisikap na rin ng Philippine diplomats sa US na maka-secure ng vaccine supply mula sa Pfizer-BioNTech sa pamamagitan ng COVAX.
Facebook Comments