MANILA – Kasabay ng nagpapatuloy na search and rescue operations… Nakalabas na ng ospital ang 56 na pasahero mula sa tumaob na MB Lady Aime sa Gumaca, Quezon.Ayon kay Police Insp. Rodel Anda, Deputy Chief of Police ng Gumaca-PNP, hanggang ngayon ay pinaghahanap pa nila ang kapitan ng bangka na si Jun Navares na tumakas matapos ang pangyayari.Nabatid na hinampas umano ng malalakas na alon ang MB Lady Aime na nagresulta sa pagkawasak ng unahang bahagi ng bangka kung kaya tuluyang itong lumubog.Nag-panic ang tatlong pasaherong sina Monteverde Oltiveros, Rosefel Oliveros at Susan Tajaro kaya nalunod at binawian ng buhay.Sa imbestigasyon, lumalabas na pawang mga residente ng Gumaca ang mga pasahero at papunta sana sa bayan ng Quezon.Nabatid na 200 metro pa lamang ang layo ng bangka sa pier nang salubungin ito ng malalakas na alon kung kaya sinubukan pa umanong ibalik ng bangkero sa pier ang bangka pero pinasok na ito ng tubig.Sa ngayon, patuloy pang pinaghahahanap ng mga otoridad ang tumakas na bangkero na posibleng maharap sa mga kaso.
56 Na Nailigtas Sa Lumubog Na Motor Banca Sa Gumaca, Quezon, Nakalabas Na Ng Ospital… Search And Rescue Operation, Nagpa
Facebook Comments