Nadagdagan pa ang mga pulis na gumaling sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, kahapon ay may panibagong 56 na pulis ang gumaling sa virus kaya sa ngayon ay umaabot na sa 4,556 recoveries mayroon sa PNP.
Sa kabila na may mga gumaling, nadagdagan naman ng 46 ang kaso ng COVID-19 sa PNP, dahil dito umakyat na sa 5,751 COVID cases sa pambansang pulisya pero 1,178 ang active cases.
22 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), lima sa SOCCKSARGEN, tig-apat sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Western Visayas.
Tig-dalawa naman sa Central Luzon at Northern Mindanao habang tig-isang pulis ang positibo sa CALABARZON, Eastern Visayas at Davao Region.
Nanatili naman sa 17 ang namamatay na miyembro ng PNP dahil sa COVID-19.