Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa, pumalo na sa mahigit 4,000 

31

Umabot na ng 4,212 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa, matapos itong madagdagan ng 12 sa nakalipas na 24 oras. 

Mula sa nasabing bilang 3,727 nito ay bilang ng mga gumaling sa naturang sakit habang ang 141 naman ay bilang ng mga nasawi na dulot ng virus. 

Nasa 344 pang mga indibiduwal na active case ng COVID-19 sa lungsod na patuloy pa ring binibigyan ng lunas ng City Health Department. 

Nasa 778 ang bilang ng probable case at 267 naman ang bilang ng suspected. 

Dahil dito, may panawagan ang lokal na pamanahalaan ng Muntinlupa sa mga residente nito na panatilihing sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas ng bahay kung kailangan upang maging ligtas. 

Facebook Comments