Ito ay bahagi pa rin ng EO 70 o whole-of-nation approach sa pagkamit ng napapanatiling kapayapaan, paglikha ng national task force upang wakasan ang armed-conflict to end local communist.
Tinawag ang proyektong “Empowering Local Communities thru Sustained S&T Innovation Strategies in Cagayan” na naglalayong magbigay ng angkop na mga interbensyon ng S&T sa mga piling lugar na apektado at mga mahihinang komunidad ng Cagayan.
Nagsimula ang proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02 sa ilalim ng Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) Program noong June 2021 sa tulong ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na magtatapos sa darating na July 2022.
Samantala, isa ang Sitio Lagum sa mga benepisyaryo ng Phase I Water System Project, Science & Technology Academic Research-based Openly Operated KioskS (STARBOOKS) habang nagbigay naman ng medical health kits ang Department of Health sa ilalim pa rin ng CEST program.