56, patay sa naganap na sunog sa isang gusali sa Bangladesh

32

Bangladesh – Umakyat na sa 56 ang patay sa naganap na sunog sa isang apartment buildings sa Bangladesh.

Nagsimula ang sunog sa gusaling pinag-iimbakan ng mga kemikal sa Chawkbazar na kumalat agad sa mga katabing gusali.

Na-trap sa gusali ang mga biktima matapos mabigong makalabas dahil sa makitid na daanan.

Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga nakaimbak na highly-combustible na kemikal, body sprays at plastic granules.

Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments