Miss Universe 2018 Catriona Gray, pinagkaguluhan sa kanyang homecoming parade

65

Manila, Philippines – Dinagsa ng mga Pinoy ang homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray kanina sa Pasay at Makati.

Bandang alas-2:00 ng hapon nang umarangkada ang parade mula sa PICC.

Sakay ng kanyang magarbong float na may disenyo ng mikimoto crown, pinagkaguluhan si Catriona.

Suot ng 2018 Miss Universe ang kaniyang “Lava” inspred gown na sumasalamin sa pinagmulan nitong probinsya ng Albay, kung saan matatagpuan ang Perfect Cone Volcano na Mayon.

Facebook Comments