Cauayan City, Isabela- Kabuuang 561 na mag-aaral mula sa lalawigan ng Kalinga ang nabenepisyuhan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinagawa noong August 20, 2022.
Umabot sa kabuuang P1,708,000.00 ang naipamahagi sa mga mag-aaral ng Social Welfare and Development (SWAD) Office- Kalinga.
Base sa inilabas na report ng Tabuk City Information Office, ayon kay Social Welfare Officer II Lorna Lumioan, hindi kabilang sa educational assistance ang lahat ng estudyante mula elementary hanggang tertiary levels.
Paliwanag nito, mga mag-aaral lamang mula sa mga mahihirap na pamilya, working students, breadwinner, orphan at abandoned, mga may kapansanan, anak ng solo parent at biktima ng kalamidad ang maaari lamang makatanggap ng tulong.
Makakatanggap ang elementary students’ ng P1,000.00, habang P2,000.00 sa Junior High School, P3,000.00 sa Senior High School, at P4,000.00 para sa college students.
Facebook Comments