Ruffa Gutierrez, graduate na ng kolehiyo

83

Masayang ibinahagi ng 48-year-old actress na si Ruffa Gutierrez ang kaniyang official toga picture sa Instagram at inanunsyong siya ay magtatapos na sa kursong Communication Arts.

Nagtapos si Ruffa sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa Philippine Women’s University (PWU).


Say ng aktres, sa ngayon ay pinaghahandaan na niya ang kaniyang pagmartsa sa Philippine International Convention Center (PICC) sa susunod na linggo.

Pinasalamatan naman nito ang kaniyang mga guro at mahal sa buhay para sa kanilang suporta.

Samantala, proud ding ini-reveal ni Ruffa na tuloy-tuloy at “unstoppable” ang pagpapaunlad niya ng kaniyang kakahayan dahil siya ay nagsisimula na rin sa kaniyang masters’ degree sa Communication Arts sa parehong unibersidad.

Facebook Comments