Nakapagtala pa kahapon ang Department of Health ng 564 na bagong kaso ng COVID-19.
46,537 naman ang nananatiling aktibong kaso habang 3, 566,592 na ang mga gumaling sa sakit.
Nasa 57,610 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, 24.64 percent ng 3,701 Intensive Care Unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients sa buong bansa ang okupado.
22.04 percent din ng 20,773 isolation beds ang ginagamit at 13.66 percent naman mula sa kabuuang 14,037 ward beds.
Nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming naitalang kaso ang National Capital Region, na sinundan ng CALABARZON at Western Visayas.
Facebook Comments