“Super bigtime” oil price hike, ipatutupad bukas ng mga kumpanya ng langis

Tuloy na bukas ang “super bigtime” oil price hike.

Ito ay sa gitna pa rin ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdulot ng pagsipa ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Unioil, naglalaro sa P12.20 hanggang P12.30 ang posibleng maging taas-presyo ng kada litro ng diesel habang ₱7 naman sa kada litro ng gasolina.


Samantala, na ₱9.70 hanggang ₱9.8 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Una nang ibinabala ng Department of Energy na posible pang sumipa sa isandaang piso ang presyo ng gasolina sa mga susunod na linggo kung hindi pa huhupa ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments