57 lugar sa NCR, nasa ilalim ng granular lockdown

Umaabot sa 57 ang mga lugar sa kalakhang Maynila na nasa ilalim ngayon ng granular lockdown.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay batay sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng alert level system sa National Capital Region (NCR).

Aniya, halos lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay mayroong naka-granular lockdown.


Samantala, sa usapin naman ng pagbibigay babala sa mga residente na masasakop ng granular lockdown ay ipinauubaya na ito ng DILG sa bawat Local Government Unit (LGU).

Ang mga lugar na ito ay maituturing na kritikal dahil may clustering ng mga kaso at aktibong hawahan ng COVID-19.

Facebook Comments