Ikalawang nanalo sa “Extended Bisikletrabaho Year 3 Promo” ng DZXL-Radyo Trabaho, taga-Makati City!

44

Sa pamamagitan ng “Extended Bisikletrabaho Year 3 Promo” ay na-solve na ang problema ng isa sa masugid na listener ng DZXL 558-Radyo Trabaho.

Ito ay matapos na manalo ngayong araw ng isang bisikleta si Pacita Reyes ng Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.


Ayon kay Nanay Pacita, ipinagdasal niya na manalo sa pa-promo ng DZXL-Radyo Trabaho lalo na’t problema nila ang masasakyan at magagamit para sa paghahanap-buhay.

Kasabay ng pasasalamat sa programa ay hinikayat ni Nanay Pacita ang mga gustong sumali na makinig at mag-comment lang sa Facebook page ng RMN-DZXL 558 Manila.

Ang “Extended Bisikletrabaho Year 3 Promo” ay hatid sa inyo ng DZXL 558-Radyo Trabaho, RMN Foundation, ACS Manufacturing Corporation at sa tulong ng tanggapan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments