58 BARANGAY SA UMINGAN, SINANAY SA MABILIS NA PAGLUTAS NG ALITAN SA MGA NASASAKUPAN

Sumailalim sa pagsasanay ang mga opisyal, sekretarya, at miyembro ng 58 barangay sa umingan sa ilalim ng katarungang pambarangay skills enhancement training na layong palakasin ang kanilang kakayahan sa pagresolba ng mga alitan sa komunidad.

Sa isinagawang training, tinalakay ang iba’t ibang estratehiya at pamamaraan upang mas mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok sa mga umiiral na batas at proseso ng katarungang pambarangay. layunin nitong mapabilis ang pagresolba sa mga reklamong inihaharap sa barangay at maiwasan ang paglala ng mga sigalot sa pagitan ng mga residente.

Ayon sa mga tagapagsanay, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga opisyal sa barangay upang maging epektibo ang kanilang papel bilang unang linya ng pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa komunidad.

Nagsilbing resource speakers ang mga opisyal mula sa public attorney’s office sa tayug at parole and probation administration sa rosales, na nagbahagi ng kanilang kaalaman hinggil sa legal na proseso, mediation techniques, at tamang paghawak ng mga kaso sa barangay level.

Bahagi rin ng pagsasanay ang mga situational exercises at diskusyon upang mas mahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa aktwal na pagharap sa mga alitan, kabilang ang usapin sa pamilya, lupa, at iba pang karaniwang isyung dinadala sa barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments