58 COVID-19 Positive sa Region 2, Gumaling; 23 Katao Nagpositibo

92

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng maraming bilang ng mga nakarekober sa sakit na COVID-19 sa rehiyon dos habang nakapagtala rin ng mga panibagong kaso ng virus.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 30, 2020, nasa 58 na COVID-19 positive patients ang gumaling sa sakit kung saan 5 ay mula sa Cagayan, 10 sa Isabela at 43 sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Bagamat mataas ang bilang ng mga gumagaling ay nakapagtala naman ang rehiyon ng 23 na panibagong kaso ng COVID-19 at ang mga nagpositibo ay mula sa Cagayan (15) at Isabela (8).

Dahil dito, pumalo na sa 1, 712 ang total confirmed cases sa Lambak ng Cagayan, 382 ang active cases, 1, 301 ang nakarekober at 29 ang namatay.

Facebook Comments