Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila Water ang kanilang mga konsumer na magkakaroon ng water service interruption sa may 58 na barangay mula sa darating na Lunes hanggang Martes November 23 hanggang 24 sa lalawigan ng Rizal.
Asahan na mawawalan ng suplay ng tubig sa loob ng 9 na oras para sa pagsasailalim sa maintenance works matapos masira ng nagdaang Bagyong Ulysses ang mga linya nito.
Kabilang ang Taytay sa apektadong bayan at inaasahang apektado ang Barangay Muzon, San Juan at Dolores, 9 na barangay ang apektado sa Angono, 7 na barangay sa Cardona, 21 na barangay ang apektado sa bayan ng Binangonan, 9 na barangay sa Baras at 9 na barangay sa Jala-jala, Rizal.
Sa inilabas na advisory ng Manila Water, isasailalim sa maintenance works ang Cardona Water Treatment Plant sa Rizal para mapanatili ang malinis na tubig sa mga nasasakupang lugar.
Apektado ng maintenance works ang mahigit 285,000 population ng 57,049 households, commercial at business establishments.