Umabot sa 580 adverse effect ang naitala ng Food and Drug Administration mula sa mga edad 12 hanggang 17 na nabakunahan kontra COVID-19.
Sa nasabing bilang, 19 ang nagkaroon ng seiorus adverse effect habang karamihan ay mild lamang.
Paliwanag ng FDA, kabilang sa mga naitalang adverse effect ay pananakit sa vaccination site, pagkahilo, pananakit ng ulo, pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng tibok ng puso.
Nauna nang nagsimula noong Oktubre 15 ang COVID-19 pediatric vaccination kung saan binakunahan ang mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidity.
Pinalawak ito sa general pediatric population sa kaparehong edad noong November 3.
Facebook Comments