582,500 doses ng AstraZeneca vaccine na sakay ng China Airlines, dumating na sa bansa

Bago mag alas-9:30 ngayong umaga, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 582,500 doses ng AstraZeneca vaccine sakay ng eroplano ng China Airlines.

Bahagi ito ng halos 5 million doses ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa ngayong katapusan ng linggo.

Ang mga naturang bakuna ay binili ng Go Negosyo sa pangunguna ng kanilang founder na si Jose Concepcion.


Kagabi, 3 million doses ng Sinovac vaccine mula China ang dumating sa bansa kung saan ito’y bahagi pa rin ng binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China.

Bukas naman ay 1 million doses ng Sinovac vaccine ang darating sa NAIA 2 sakay naman ng Philippine Airlines (PAL).

Facebook Comments