Vaccination centers, dapat magkaroon ng mga sign language interpreter

Hinimok ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang mga Local Government Unit (LGU) na magtalaga ng mga sign language interpreter upang matulungan ang mga pipi at bingi na nakatakdang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ni Gatchalian, importanteng maalalayan ng husto ang mga kababayang may kapansanan lalo’t hindi lahat sa kanila ay may guardians o kasama.

Ibinahagi ni Gatchalian ang halimbawa sa Valenzuela City kung saan mayroong mga sign language interpreter sa mga COVID-19 vaccination center.


Ayon kay Gatchalian, maliban sa pagpapabakuna, makatutulong din ang mga sign language interpreter kung saan namamahagi ng ayuda.

Ipinaalala rin ni Gatchalian ang itinatakdang Filipino Sign Language Act o Republic Act 11106 na serbisyo at suporta sa komunikasyon at transaksyon para sa mga mamamayang may problema sa pandinig.

Facebook Comments