588 Katao sa Cabagan Isabela, Nabigyan ng Loan Assistance Mula sa Pamahalaang Panlalawigan!

Cabagan, Isabela – Nabigyan ngayong araw ang may kabuuang 588 na beneficiary sa Cabagan Isabela ng loan assistance na mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Isabela Provincial Government na isinagawa ang distribusyon ng loan assistance sa mismong munisipyo ng Cabagan sa pangunguna ni Governor Faustino “Bojie” Dy III at Vice Governor Antonio “Tonypet’ ALbano.

Aniya ang loan assistance na nasa loob ng Livelihood Program ng Isabela ay para sa mga maliliit na negosyante at mga ofw’s na umuwi na dito sa lalawigan ng Isabela kung saan sila umano ay tumanggap ng sampung libong piso bawat isa bilang kanilang magiging puhunan.


Ipinaliwanang pa ni Ginoong Santos na walang interest ang naturang pautang at babayaran o ibabalik lamang ang nasabing halaga sa loob ng isang taon.

Samantala naging mabilis na isinagawa ang naturang distribusyon dahil narin sa pagbisita ni Pangulong Duterte dito sa lalawigan ng Isabela ngayong araw.

Facebook Comments